Nakausap natin ang trainer ni Nonito Donaire Jr. na si Jonathan Penalosa sa huling press conference ng Pinoy Power 3 dito sa Hilton Las Vegas. Ipinamahagi ni coach ‘Atan’ ang kanyang mga opinyon tungkol sa nalalapit na laban ni Nonito sa Sabado ika-13 ng Pebrero.
Pinalitan ang makakalaban ni Donaire sa huling saglit ng hinde pumasa sa medical test si Guerson Guerrero. Pinalitan siya ni Manuel Vargas.
Sa tingin ni coach ‘Atan’ hinde nalalayo ang istilo ni Vargas kay Guerrero at mapapatumba ni Nonito ito sa loob ng 5 round. Pakinggan ninyp ang interview na ito at huwag kalimutan bisitahin ang aking website : http://www.examiner.com/x-10947-Filipino-Sports-Examiner para sa mga eksklusibong mga balita sa boxing at panoorin ang Pinoy Power 3 sa Sabado.