
Anim na Pilipino ang lalaban sa Pinoy Power 3 sa ika-13 ng Pebrero sa Las Vegas Hilton dito sa Amerika. Anim na Pilipinong may kanya-kanyang layunin ngunit iisa ang pinaglalaban. And pinaglalaban na iyan ay walang iba kundi and karangalan ng ating bayan.
Anim kamo?
Oo. Tama yung nabasa mo.
Bukod sa mga kilalang pangalan nila Nonito Donaire Jr., Gerry Penalosa, Ciso Morales at Bernabe Concepcion, kasama ren sa makikipagtunggali sa bisperas ng araw ng mga puso ay sina Mark Melligen ng ALA Boxing Gym sa Cebu at ang pinakabagong pangalan na sasabak sa gabing iyon na si Bruno Escalante.
DONAIRE
Siya na nga ang tinaguriang susunod sa mga yapak ni Manny Pacquiao, ngunit ang titulong ito ay tila ba walang silbing bigat sa kanyang mga balitak. Dahan-dahang umakyat ng estado si Donaire sa larangan ng boksing matapos niyang patumbahin si Vic Darchinyan noon 2007.
Kilala bilang “The Filipino Flash” o ang Pilipinong Kidlat hango sa idolo nitong si Gabriel “Flash” Elorde, si Donaire ay haharap kontra kas Guerson Guerrero ng Mexico.
Importante ang laban na ito para kay Donaire upang maipagpatuloy niya ang kanyang pagdalagsa sa super flyweight division at para ma set-up ang mga mas malalaking mga laban na naghihintay sa kanya. And mga pangalang na maaring makalaban niya ay sina Montiel, Darchinyan at Arce.
PENALOSA
Ang ‘ageless wonder’ na si Gerry Penalosa ay tunay na masasabing ‘living legend’ ng Pinoy Boxing. Si Manny Pacquiao mismo and nag-kumbinsi kay Penalosa upang bumalik sa boksing matapos nitong tumigil lumaban nung 2002 dahil na ren sa tatlong kwestiyonableng mga pagkatalo sa Korea at Japan.
Minsan na rin noong sinubukan ni Penalosa pasukin ang boksing dito sa Amerika at balita nga noon ay mismong si Roy Jones Jr. ay hanga kay Penalosa ng mag training ito sa gym niya sa Florida. Ngunit hinde siya kasing palad ni Pacquiao sapagkat walang kumupkop sa kanyang promoter at trainer dahil na ren sa hinde popular ang mga Pilipinong boksingero dito noon at mahirap ibenta.
Ngayon si ka-Gerry ay 37 anyos na at kahit nakaka 63 na siyang laban, ni minsan hinde pa siya napapatumba. Susubukin ni Gerry ang kanyang katawan at kakayanan sa Pinoy Power laban kay Eric Morel na beterano rin at may impresibong record na 41-2-0. Makikita ren natin kung kaya pa nga ba ng isa sa pinaka-mahusay na boksingero sa Pilipinas na makamit ulit ang kampyonato.
CONCEPCION
Si Bernabe Concepcion o ‘Abe’ na tawag sa kanya ng malalapit niyan kaibigan, ay manggagaling sa isang kontrobersyal na pagkaka-diskwalipika kontra kay Steven Luevano noon Pinoy Power 2 matapos nitong suntukin ang kalaban pagkatapos tumunog ang kampana para sa round 7.
Hinde man sinadya ni Abe ang pangyayare, ito’s tila nakapinsala sa kanyang career. Marami ang naniniwala na kung patuloy lang ang laban ay mapapatumba na niya si Luevano at marahil naging world champion na ren.
Nung nakaraang Sabado lamang, pinabagsak ng Puerto Ricanong si Juan Manuel Lopez si Luevano upang makuha ang titolo nitong sana ay kay Abe. Ngayon, kailangan ni Abe na pagsikaping ibalik ang kanyang pangalan sa ibabaw ng mga tinitingalang pinakamagagaling sa featherweight division.
Ang makakalaban niya ay si Mario Santiago ng Puerto Rico na may 24-1-1 na record. Hinde madaling kalaban si Santiago at may panalo ito sa mga kilalang mahusay sa kanyang dibisyon tulad ni Cornelius Lock at tumabla ren siya kay Luevano nung 2008.
PINOY POWER 3
Lahat ng laban na yan ay tampok sa Pebrero 13 sa Hilton Las Vegas bilang pagpugay ng Top Rank sa galing ng mga Pilipinong boksingero. Sana suportahan nating lahat ang Pinoy Power 3 sapagkat ito ang magiging tulay upang ang mga susunod na Manny Pacquiao ay mabigyang pansin at pagkakataon.
Kita-kita tayo sa Las Vegas or di naman kaya panoorin ninyo ang mga laban sa Pay-Per-View.